Tuesday, September 06, 2005

suntok sa bayan kong Perlas ng Silangan

your honor....

Madam President....

Hello Garci......

MAKIBAKA! WAG MATAKOT!


mga linyang sinisigaw ng bayan ko... protesta... bagsak na ekonomiya... punyeta... pagkakaisa?! hayaan na...

tunay nga naman na nakakainis ang mga pangyayari sa ating bansa ngayon... mula sa dayaan sa eleksyon, sa E-VAT law, hanggang sa mga taong nakikipaglaban "kuno" para sa bayang nilang Pilipinas...

walang kwenta...

mas gugustuhin ko pang matulog, mag internet at maglaro na lng sa Timezone kaysa makinig sa mga isyung ito...

  • DAYAAN SA ELEKSYON

tapos na...me magagawa pa ba?! kahit mapatunayan na may dayaan sa eleksyon sino ang ipapalit mo?! wag mong sabihing bagong eleksiyon ule..bagong dayaan?! hindi maiiwasan ang dayaan pag eleksyon..hello?! di pa ba kayo sanay?! ang tunay na krisis ng bansa...moralidad... we are not pro Gloria.. we are pro Government...

  • EVAT LAW

dagdag gastos... dagdag problema...pagtaas ng gasolina, ngunit hindi bat stock ang mga binibenta ng mga ito na matagal ng nabili sa oil market?! na dapat ang presyong ipinapatong dito ay presyong katumbas ng pagbili nito?! ngunit baket kasali sa evat ang pagtaas ng gasolina?! problema...
araw araw ay tinatahak ko ang Taft Avenue na kung saan kinatatayuan ng Department of Justice. minsan ay napansin ko ang hindi ordinaryong pagkakaroon ng trapiko...welga...protesta... ibagsak ang evat law... eh kung itong mga taong ito siguro ay nagtratrabaho eh baka makatulong pa sila sa bansa. kaso hindi eh! sinasayang nila ang araw na kung tutuusin ay isang araw din ng sweldo..kung iisipin..kung me trabaho talaga ang mga taong ito..mas nanaisin nilang magtrabaho keysa magwelga. nakakadagdag pa sa trapiko!

  • "mahal ko ang bayan ko"
yan ang madalas na dahilan ng mga taong nagwewelga. mga taong nasa lansangan. magsusunog ng kung ano-ano na hindi naman nililinis.. magsisira ng mga kotse-feeling nila napaka mura ng kotse.. magbabatuhan ng kung ano ano, kala mo hindi nakakasakit. magsasayaw- juice me eh hindi ba naman masagwa mga sinasayaw nila.. magkakantahan- paulit ulit na lng na chant! wala na bang iba!. mag kakalabugan ng mga kaldero at kung ano ano- eh kung nagluluto na kaya ng ipapalamon niyo sa pamilya niyo?! naninira pa kayo ng gamit sa bahay! tapos magrereklamo kayo na madameng gastos! PUNYETA!
feeling niyo mahal niyo talaga ang bayan niyo?! feeling niyo Pride ng bansa ang ipinaglalaban niyo?! tingin niyo?! kung buhay talaga ang bansa naten at me kakayahang magisip, feeling niyo ipagmamalaki niya kayo sa ginagawa niyo?! eh feeling pala kayo eh! eh kung nagkakaisa kaya tayo para iahon ang bansa at hindi yung nagsisiraan at nagbabagsakan?! lahat naman ng nasa pwesto eh ayaw niyo! eh kung kayo kaya ilugmok sa pwesto! tignan naten ang galeng niyong pamunuhan ang bansang mahilig sa demokrasya! mahilig sa protesta!
hindi madaling manuno..hindi madaling nakukuha ang tagumpay ng bansa..ngunit gusto niyo kasi agadagaran?
sinasali niyo pa ang mga mag aaral sa protesta! eh wala naman talaga sa loob nila ang pagsali dito.. akala niyo ba masaya sila sa pagdalo?! kung alam niyo lng! mas nanaisin pa nilang mag aral na lng para mabilis ang pag alis nila sa bansang ito!
wag niyong sarilin ang problema..isipin ang kapakanan ng iba... magkaisa... itaguyod ang BANSA!

1 Comments:

At 6:21 PM, Blogger cy said...

mahal ko din ang bayan ko. apir!! (;

 

Post a Comment

<< Home